Itago nyu nalang ako sa panggalang lakwatsera,baket? Kasi yun yung gustu ko, lumaki ako sa maynila. Sa maynila na magulo, maraming taong nakakasalamuha,may mga gago,maraming magnanakaw,buhol buhol ang trapik,maraming mga pulubi,mausok, maraming basura at ibat ibang klase ng tao, yan ang kinamulatan ko. Peru syepre may mgandang ambiance naman din. Bunso sa 3 magkakapatid, tapos ng pagaaral peru tambay pa sa ngayon, habang wala pang trabaho,pag bablog muna ang aasikasuhin ko.
Mahilig akong makisalamuha sa mga tao, makipag kaibigan sa kanila, I don’t care if hindi nila ako gustu, basta ako nakikisama ako na totoong tao, at hindi plastic kahit kanino, syempre nararamdaman naman nati yun sa mga taong ayaw satin, at kung sinu may gustu satin diba?peru ako hindi ko inaangat ang bangko ko, peru mabait naman siguru ako based on what they are saying about me, pakikisamahan kita hanggat kaya mu akong pakisamahan. Malambing din ako, gustu ko lahat ng tao ma please ko, if you are f**** s*** so am I!
Wala ako masyadong hilig kumain,dahil nag papasexy ako! Wwaahahaha.. actually kahit anung food OK lang na kainin ko, peru hindi maganda appetite ko. Pinangarap kong mangibang bansa, peru parang walang chance dahil hindi naman ako nag aapply, at wala akong kamaganak na nasa ibang bansa para kumuha sakin o petisyunin ako. Kaya siguru pangarap o ilusyon nalang ang mga sinasabi ko. Pangarap kong makatulong sa pamilya ko, kapag nakapaghanap ng trabaho,balak kong pag aralin nanay ko! ahahah… well kapag pinalad makapag trabaho, gustu kong ipagpatayo ng bahay ang nanay ko, dahil nangungupahan lang kami sa isang apartment nakungn saan ang mahal mag bayad ng renta. At kung saan hindi naming alam kung patuloy kaming may bayad ng renta. Ako nalang ang walang asawa sa aming magkakapatid, pero parang sa itsura ako ay may asawa na! ahahahaha! (ui, maganda ako noh?! Yun ang akala ko) kapag natupad ko lahat ng pangarap ko, syempre hindi padin ako kontento, kasi merun padin akong gusting matupad at yun ay hindi ko pa alam.
Pinangarap kong mag asawa at magkapamilya, peru hanggang nagayun wala padin akong kasintahan. Lagi kasi akong broken glass! Lagi sinasaktan ng mga kalalakihan,tibo nalang kaya patulan ko?baka sakaling nandon kapalaran ko?! loko lang! peru siguru hindi pa sa ngayon ang pangarap ko,bata pa naman ako, at wala pang trabaho. Baka malay natin pinaka GWAPO ang maging asawa ko! ( asa pa ako! ahaha)
Sa ngayun wala akong trabaho, enjoy ko muna ang oras na nasa bahay at maging palamunin nanaman, nakakapagod din kasi mag aral, so ditu muna ako sa bahay habang hindi pa naghahanap ng work. Tulungan ang nanay ko sa pagtitinda ng banana Q, sago kamote Q at kung anu anu pa, para sa ikabubuhay naming sa pang araw araw.
Etu ako itu ang buhay ko, kulang payan peru ayoko ng ibahagi ang iba pa, tama nayan sa ngayun, salamat sa pagbasa saw ala kong kwentang istorya! Hayaan nyong dalawin ko naman kayu sa inyong bahay kapag ako ay nagkaroon ng pagkakataon, sa ngayon bisi ako sa paupo ipo at walang ginagawa!
Maraming salamat mga ka BLOG
Unang una, wag na wag mo po sasabihing walang kwenta ang kwento mo, teka pwede mong sabihin pero huwag mo naman paniwalaan, kasi meron at merong kabuluhan ang mga ipoposte mo no matter what. Pangalawa, sana pag may work ka na magblo-blog ka pa din ano? Mahigit 2 taon pa lang ako sa blogging, 1 year dito s wp, sa una kung anu-ano lang talaga masusulat mo, pero mag-gro-grow ka din, at darating ang panahon na pag wala ka magawa at makausap pero gusto mo maglabas ng shit mo, at ang blogosperyo ang matatakbuhan mo, ginawa ko ng isang buong entry ang komento ko no? Hahaha.. Huwag ka muna mag-asawa o pakasal, hindi mo pa ko ganun kakilala, hahaha. Wait mo si G. J.Kulisap, lol. Mahal niya nanay niyaaaa, hehe. Welcome!
woah! man! what a comment! o sige hinding hindi na, at iisipin ko na lahat ng istorya ko o lahat ng mga poste ko mas maganda kesa sa post mo! haha.. Sana nga makapag trabaho ako at sige mag bablog padin ako kasi nararamdaman ko na masaya dito.
matagal kanapala dito bihasang bihasa kana dude! gusto ko talagang magalabas ng shit dahil puro ka shit-an nalang ang buhay ko!
aba dude, hindi mo padin ako kakilala sige kikilalanin kita baka tayo magkatuluyan niyan ah.. ahaha
anu naman ba kinalaman nino? G.J.Kulisap?sige bibisitahin ko nalang siya kung sinu man siya.
samalat dude sa inangkin mong blog ko na napahaba ang komento mo! sana makabalik kapa dito.
haha, umarangkada na pala si yin dito…
sulitin mo ang pagtambay dahil ako pinangarap kung masubukang tambay at palamunin sa bahay…hehehe
mas magandang utak lang ang nag-uusap…bahala ang iba mag-isip kung ano itsura mo… mas may kalayaang sabihin ang lahat ng gusto mo…cge humaba na rin comment ko…hahaha
si yin na walang malay, hahaha… kaso busy at si yin ngayon, kasi hindi na ngungulit! hehehe
wala akong identity, mahirap na, baka mapasama pa! lol
kung ikaw di mo hilig kumain, ako sobrang hilig ko! pero kahit anong dami ng kinakain ko, wala. hindi talaga ako tumataba.
palamunin pa lang ako ngayon kasi estudyante pa lang. ako gusto ko rin pumunta ng ibang bansa specifically JAPAN! oh yeah!
nakikiraan!
ganoon naman yung iba, kain ng kain, pero hinde tumataba..
ayus lang yan, kapag nagkatrbaho kana, sila naman papalamunin mo, oha?!
JAPAN? baket naman doon pa?!
Lakwatsera. Ikaw pala yan
Pabiling banana q, yong maraming asukal
BbJvNh uudqedkwhqtt, [url=http://zbtbadaydofd.com/]zbtbadaydofd[/url], [link=http://crnpxjfropdo.com/]crnpxjfropdo[/link], http://poahhzahzrjf.com/
kumusta kaibigang lakwatsera?