Alas 5 ng lunes ng umaga, nag alarm ang orasan, kring kring! Nagising ako! “siyet, bakit ba nag alarm ang orasan, hindi naman ako ganun gumising dahil normally alas diyes o kaya alas onse ng umaga,nag isip ako, muntik ko ng makalimutan, araw pala ng pag aaply ko. dali dali akong bumangon, sabay hablot sa tuwalya at takbo sa cr . maaga pa naman kaya nilalasap ko muna ang tubig na dumadaloy sa aking katawan. First time kong ka mag aaply ngayon kaya dapat maganda ako at confident sa mga sagot at sa lahat.
After maligo plantsa naman sa damit na isusuot,walang mautusan dahil ako lang talaga ang gumagawa sa gawaing bahay. Tulog pa si nanay kaya dapat walang maingay. Pagtapos mamalantsa make-up naman,dapat maganda pagkaka make-up ko dahil dagdag ganda points din yon sa pag aaplayan ko.
Tapos na lahat labas na ng bahay,ready nakong harapin ang mga taong magiinterview skin. Dala kona lahat ng kailangan ko sa pagaaply. Kinakabahan ako,pano kung hindi ako matanggap?panu kung mapahiya ako? Dati sabi ko, hindi muna ako mag aaplay o maghahanap ng work, stay muna ako sa bahay kahit mga kalahating taon, kasi nakakapagod mag aral, so o think, its time muna for me to take a rest. Kaso naisip ko naman, sayang naman, kaka graduate ko lang, fresh pa mind ko kaya ayoko naman sayangin,habang nasa jeep ako sobra akong nagiisip, saan kaya ako mapapadpad? Hamo na nga bahala na!
Kung saan saan ako napadpad parang kahit hindi ko field inaplayan ko, para makapag work lang. To make my story short, ganun palang mag apply sa first time,nakakapagod,nakakasakit ng loog minsan,exciting,nakaka tense ang mga interview. Sabi nila,kapag sinabing tatawagan ka,naku wag nakong umasa,siguradong wala ng pag asa. Merun din namang nagsasabing bumalik nalang ako, patay, sinu kaya don ang babalikan ko?!
Alas singko na ng hapon, siguradong wala ng bukas na opisina o kahit anu pang pwedeng applayan. Tama na sigurung umuwi ako at magpahinga. Habang naglalakad sa iskinita pauwi ng bahay iniisip ko anu kaya gagawin ko bukas?mag aaplay nanaman ba ako?o tama na muna yung applay ko kanina at balikan nalang yung mga inaplayan ko na pinababalik ako? Pag uwi na bahay nadatna ko ang nanay na nagluluto ng hapunan. Pasok ako agad sa kwarto halibas sa gamit at pahinga muna.
Ang hirap pala ng first time, nakakapagod! Bahala na kung hindi matanggap at salamat naman kung matatanggap. Hintay nalang muna sa magiging resulta. Kaya etu ako sa bahay, tambaya nanaman at may oras magsulat ng karanasan ko. Hirap ng first time! Nakakapagod! aja! bye!
Etu ang kasabihan ko “pag may tiyaga, may nilaga”
prehas pla tau e. 10-11am ang gcng! hehhe..
hindi q p nranasan maghanp ng work na ung tipong iniisa isa ang mga company pero mukhang sobrang hirap at nkkpagud nga!..
tiis tiis lng po mkkhanp k din 🙂
gudluck..share mo pag my nhnap n u h 🙂
oo, sobrang nakakapagod, halos gusto ko ng sumuko dahilsa hirap.
salamat at alam kong matagal akong magtitiis
mga ganyang oras din ang gising ko. pero ang tulog ko kase mga 3am.. nocturnal talaga.
kaya naman pala ganoon ang gising mo, parang araw lang sa iyo ang gabi!
hmn. there is always a first time. yaan mo, isa o dalawa sa mga company na inaplayan mo eh pasok ka. if not, may two suggestions ako sa iyo… since lakwatsera ka, find a job that suits it (i am not sure kung related ‘to sa course mo but anyway, yun naman siguro karamihan ng pinasahan mo ng resume) and the second option would be… aplly ka na lang na artista. ako number one fan mo. 😀
*…apply ka na lang na artista…
hahaha, sana nga makapasok ako sa mga company na inaplayan ko, peru sa ngayon kasi kahit hindi naman natin field pinapasok padin natin wag lang mabakante..
artista?! are you kidding me?baka sa gate palang palanasin nako ng guard! hahaha
hehe, tiyagan lang yan. go go go lang. apply lang ng apply.
salamat phads! oo nga apply ng apply!
naku tyaga lang talaga sa pag hahanap, actually fisrt time kong mag ka work, hindi ako nahirapang maghanap, kasi tita ko agad nag pasok saken kaya ayun! hehehe
hello pinkdiaries, tiya ng tiya para may nilaga.
galing mo naman dahil isinubo nalang pala sa iyo trabaho mo.
hirap pala ng pinagdaanan mo…never ko kasing nasubukan yan, una kung inapplayan tanggap agad pero di ako talaga nag-apply kumbaga diretso interview….hehe, doon ko lang kinumpleto ang requirements, tapos laptop pa ng boss ko ang gamit nung ginawa ko ang application letter…as in kapalmuks ako…di pa naman kami magkakilala..hahaha
hmm, swerte lang goro ako kasi trabaho ang lumalapit sakin, di ko alam, basta nakakatanggap nalang ako ng txt at tawag from my profs. then, tsaran… tanggap na…lately nga may sched. akong interview at demo na walang application….hehe
oo aninipot napahirap nga, lalo na sa mahirap at walang alam ang utak na kagaya ko. Buti ka naman at tanggap ka agad? napaka husay mo siguru hane? kaya ganun? baka isa kang henyo?kaya trabahao ang lumapit sa iyo? baka pati chicks sila lumalapit sa iyo? ayyiieee!
galing! salamat sa komento.
Tiyaga lang talaga, at huwag mapili, sunggab ng sunggab lax! Good luck sa paghahanap, payo lang mahirap maging artista, nakakapagod, take it from me.
nako yin, hindi nga ako mapili no, lahat na nga sinusunggabana ko eh, uu nga ang hirap pala, lalo na kapag may nude scene? syet!
matter of having a backer hmmm….ako din namomroblema na kung paano magkakatrabaho after my study….
masakit talaga pag first time……ganun tlaga
sa paa,sa bulsa at sa ulo….hahaha
kaya mo yan think positive…
oo masakit nga, grabeh ang sakit at kapag nadali may dugo pa! ahahaha
kayang kaya! salamat! 🙂
Naranasan ko din yan nong araw.Maglakad sa kahabaan ng mga kalye sa Makati, maulanan at arawan, magnecktie na para akong timang.
Tama ka pag may tyaga may bumayo, ay mali.
Kamusta na?
haha, oo nga ako naman jkul naka heels ng pagkataas taas at ang hirap dahil lakad ng lakad. nyemas!
oha, bago bayun? pag may tyaga may bumayo?! ahahaha
owkey naman ako. ikaw?!
mahirap talagang magapply ng trabaho.. buti na nga lang at may internet.. kahit sa bahat pede kang magpasa ng resume mo.. at meron na din phone interview..